Nakunan ng CCTV ang pagnanakaw ng isang kawatan sa laman ng donation box ng isang simbahan sa Mangaldan, Pangasinan.<br /><br />Aabot daw sa P10,000 ang halaga ng donasyon na nakabalot sa mga sobre ang nakuha ng suspek. Nakikiusap naman ang simbahan na ipagbigay alam sa kanilang opisina o maging sa awtoridad kung sino man ang nakakakilala sa suspek. Ang ibang detalye, alamin sa video.
